71

Oct 2, 2017 @ 20:14

Vigilante killings, state-sponsored – PO1 Vincent Tacorda

Nabuhay sa Senado ang alegasyon na sadyang mayroong direktiba mula sa Philippine National Police para sa mga pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa droga.

Sa hearing ng Senate Committe on Public Order and Dangerous Drugs sa mga pagpatay sa mga menor de edad, iprinisinta ni Senador Antonio Trillanes IV ang testimonya at video ni PO1 Vincent Tacorda na nagsasaad na may nagaganap na extra judicial killings.

Sa kanyang affidavit, nakasaad na kapag hindi sila sumunod at walang napaslang na lima hanggang sampung sangkot sa illegal drugs masisibak sila sa kanilang pwesto.

Ito anya ang dahilan kayang nagresign siya noong April 26,2017 na kinontra ni PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa sa pagsasabing hindi pa nito tinatanggap ang resignation at may kaso ito kaugnay sa pagpatay sa isang mamamahayag.

Binasa naman ni Senador Panfilo Lacson ang affidavit na binabawi ni Tacorda ang kanyang testimonya.

Ito rin ang dahilan kaya’t inatasan ni Lacson si Dela Rosa na dalhin sa susunod na pagdinig si Tacorda.

“Kailangan marinig natin mismo ang testimony niya kaya pinapadala ko siya sa PNP leadership,” saad ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?