batasang-pambansa
By

Vigil para sa BBL, idinaos sa Batasan

Sharing is caring!

Sinimulan na ng grupong Anak Mindanao ang apat na araw na vigil sa Batasan Pambansa Complex para himukin ang mga kongresista na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para sa makatotohanan at pangmatagalang kapayapaan.

Tinawag ng grupo na “vigil for peace” ang kanilang aktibidad sa South Gate ng Batasan.

Partikular na ipinapanawagan ng mga ito sa House Committees on Local Government, Muslim Affairs at Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity na ikonsidera at igalang ang lahat ng peace agreements habang tinatalakay ang panukalang BBL.

Pinagbobotohan na sa executive session ng joint committees ang mga panukalang individual amendments sa kanilang draft substitute bill ng BBL.

“It is high time to uphold and pay respect to the previous peace negotiations and signed peace agreements,” pahayag ng grupo.

Ayon sa grupo, ang lahat ng kasunduan para sa kapayapaan ay nakapaloob sa bersiyon ng BBL ng Bangsamoro Transition Commission’s (BTC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The BTC version of the BBL clearly holds the meaningful aspiration of the Bangsamoro people in the quest for the right to self-determination. Thus our call to each and everyone to respect with high regard the substance of those agreements thru the provisions of the BBL,” ayon sa Anak Mindanao.

“[Anak Mindanao] will say no to diluted and watered-down BBL, for if the BBL will be designed to fail the gains of the previous peace agreements, then better no BBL at all,” dagdag ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?