114

Nov 28, 2018 @ 15:17
By

Vietnam, Thailand panalo sa rice importation

Naging matagumpay na ang panibagong bidding ng National Food Authority (NFA) para aangkating 203,000 metriko tonelada ng bigas.

Ang Thailand at Vietnam pa rin ang magbebenta ng bigas matapos pumasok sa itinakdang bidding price na $470 per metric ton ang mga alok ng dalawang bansa.

Nabatid na $469.80 ang alok ng Thailand para sa 80,000 metric tons samantalang eksaktong $470 ang alok ng Vietnam.

At dahil maliit ang diperensiya ng dalawang alok napapayag na rin ng NFA ang Vietnam na iparehas na lang Thailand ang kanilang alok.

Inaasahan na sa darating na Disyembre 15 at 31 ang dating ng mga karagdagang supply ng murang bigas.

Ang importation ay isasagawa sa pamamagitan ng government to government scheme.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?