2,914

By

Video scandal nina Nicole Scherzinger, Lewis Hamilton patuloy na kumakalat

Isang panibagong video na naman ang nag-leak matapos na mapanood ng higit 600, 000 katao ang intimate video nina Nicole Scherzinger at Lewis Hamilton.

Sa kabila ng legal battle na ikinasa ng kampo ni Scherzinger upang maalis ang naturang video sa internet ay patuloy pa rin ito sa pagkalat.

Kamakailan ay isang 2 ½ minutong video ang kumalat kung saan ay makikitang nakahiga sina Scherzinger at Lewis sa kama habang naglalampungan.

Kasunod nito ay lumabas naman ang video kung saan ay makikita si Scherzinger sa kaniyang kwarto habang nakasuot lamang ng pang-itaas at underwear.

Sina Scherzinger at Lewis ang latest celebrities na naging biktima ng mga hacker na nag-obtain ng kanilang clip sa pamamagitan ng pag-crack sa kanilang password sa iCloud, social media o messaging accounts.

Ang nag-leak na footage ay napanood nang 286, 000 beses sa loob ng isang araw mula nang nai-share ito online hanggang sa umabot na nga sa 600, 000 views.

Nagsampa na ng legal battle si Scherzinger upang mabura sa internet ang mga video at labis ang pag-aalala nito na mas maraming video pa ang kumalat.

Ayon sa report ng The Sun Online, “”Nicole will be heartbroken that such footage has found its way online.”

“It was never intended for the public domain … Nicole wants it down.”

“Nicole’s very worried that more videos and pictures will be leaked in the next couple of days.”

“She’s particularly worried as she deleted that video a long time ago, so it must have been hacked from the Cloud.”

Matatandaang naging on and off ang relasyon nina Lewis at Scherzinger bago tuluyang naghiwalay ang mga ito noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?