43

Feb 29, 2020 @ 19:13
By

Video game na pinagbawal noon ni Marcos, sinubukan ni Bongbong

Binanatan ng netizen ang paglalaro ni dating senador Bongbong Marcos ng video game sa kanyang vlog sa YouTube.

Kaugnay ito ng panukalang gawing kurso sa kolehiyo ang E-Sports.

Kaya sinubukan ni Marcos na maglaro ng sikat na Mobile Legends.

“Who can still remember Space Invaders and the days when games were played in arcades? In just one lifetime, gaming technology has advanced so rapidly— now it’s literally at the tip of our fingers! With the recent proposal to make E-Sports a bachelor’s course in college, it seems gaming is solidifying its place in society’s future. So, got any tips for this noob?” saad ni Marcos sa caption ng video.

Sariwa naman sa alaala ni @randomsalt kung paanong ipinagbawal noong panahon ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang mga video game.

Nag-share pa siya ng link ng news article ng The Telegraph na na-publish noong Nov. 21, 1981 na may titulong “Marcos bans video games.”

Nakasaad doon ang pag-ban ni Marcos sa libo-libong video game sa Pilipinas gaya ng Space Invaders at Asteroids dahil kinokorap daw nito ang isipan ng mga kabataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?