51

Jun 19, 2020 @ 20:09
By

Victory Liner nagtanggal ng higit 300 empleyado

Dahil sa pagkalugi sa coronavirus crisis, nagtanggal na ng mga empleyado ang Victory Liner.

Ayon sa ulat sa DZMM, tinanggal ng kompanya ang may 309 probationary employee kabilang ang mga driver, konduktor at cashier sa mga ticketing booth.

Nasa 100 empleyado rin ang pinagretiro na.

Sabi ng Victory Liner, sa Hulyo posible pa silang magtanggal ng 500 hanggang 600 na manggagawa depende sa financial status ng kompanya at PUV modernization program ng gobyerno

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?