428
Victoria, Northern Samar isinailalim sa lockdown matapos ang NPA attack
Mar 28, 2019 @ 14:58
By

Victoria, Northern Samar isinailalim sa lockdown matapos ang NPA attack

Inilagay sa lockdown ang bayan ng Victoria, Northern Samar matapos umatake ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa istasyon ng pulisya rito.

“No one is allowed at this time to go out in the streets,” ani Municipal Local Operations Officer Kenneth Joey Balase sa Inquirer report.

Kanina naiulat na tatlong NPA ang nasawi matapos sugurin ng nasa 50 rebelde na nakasuot ng uniporme ng sundalo sa Victoria Municipal Police Station dakong alas-3:44 ng madaling-araw.

Natunugan umano ni Victoria Police Chief, Police Lieutenant Eladio Alo ang pag-atake kaya inatasan nito ang mga tauhan na humanda sa pakikipagbakbakan.

Pumosisyon ang mga pulis sa bubungan ng police station at pinagbabaril ang mga rebelde na ikinasawi ng tatlong NPA habang nasugatan naman sina Police Senior Master Sergeant Arturo Gordo Jr., at Police Master Sergeant Arnold Cabacang.

Tumagal ang putukan ng ilang minuto bago umatras ang mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?