187

By

Victor Basa ikinasal na sa non-showbiz GF

Isa nang married man si Victor Basa.

Nakipagpalitan ng “I Do’s” ang actor-model sa kanyang girlfriend na si Stephanie Dan sa Tagaytay noong Nov. 10.

Binahagi sa social media ng talent manager na si Arnold Vegafria ang ilang litrato ng naganap na wedding. Si Vegafria ay isa sa principal sponsors nina Victor at Stephanie.

Kabilang sa celebrities na dumalo sa kasal sina singer Kuh Ledesma at actor Jake Cuenca, na siyang best man ni Victor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?