43
chito-victolero1
Apr 2, 2018 @ 20:18
By

Victolero: ‘Laban lang!’

Aminado si Magnolia Ang Pambansang Manok coach Chito Victolero na sobrang lakas ng San Miguel Beer, pero malayo pa sa isip ng Hotshots ang magladlad ng puting bandera.

“Very hard talaga na match up ‘yung San Miguel because of their firepower,” ani Victolero matapos sumadsad ang Magnolia sa Beermen 111-87 sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum nitong Easter Sunday.

Nadalawahang sunod ang Hotshots at naiiwan na 2-1. Susubukan nilang itabla ang best-of-seven series sa Miyerkoles sa Big Dome din.

“I think we’ll try to find ways in our next game,” dagdag ng coach, susubukang tapusin ang tatlong season na dominasyon ng Beer sa all-Filipino. “Hindi kami titigil hanggang hindi kami nakakakita ng paraan para manalo sa series na ‘to.”

Walang naisagot ang Magnolia sa ratsada ng SMB sa fourth nang kumalas mula 75-68 edge pagkatapos ng three tungo sa 101-77 lead kulang 4 minutes na lang sa laro.

Pinangunahan ng 22 points ni Mark Barroca ang Hotshots, may 15 si Paul Lee pero hindi na tinapos ang laro. Naka-12 si Aldrech Ramos.

Sa SMB ay nagpiyesta ng 5 of 9 sa 3-point range si Marcio Lassiter tungo sa 24 points, may 21 points at 17 rebounds si June Mar Fajardo at tig-14 sina Chris Ross at Arwind Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?