65

Sep 14, 2021 @ 18:13
By

Vico sumugod sa Cainta

Nagtungo sa munisipyo ng Cainta si Pasig Mayor Vico Sotto.

Ayon sa Facebook post ni Sotto ngayong Martes, nag-courtesy call siya kay Mayor Kit Nieto.

Inamin niyang isa si Nieto sa mga hinahangaan niyang mayor.

Pinaalam daw niya kay Nieto ang plano sa dalawang pirasong lupa ng LGU na nasa bayan ng Cainta.

“Sa una, may pinapagawa tayong Mega Dialysis Center at sa pangalawa, Socialized Housing site sa ilalim ng Rosario Floodway People’s Plan,” ani Sotto.

Napag-usapan din daw nila ang tatlong dekada nang land/boundary dispute.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang loding alkalde. “Thank you Mayor Kit Nieto for accommodating us, and also for your advice and insights!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?