124

Apr 1, 2020 @ 17:54
By

Vico Sotto pinagpapaliwanag ng NBI

Nagpadala na ng sulat ang National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Graft Division kay Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Abril 1 para magpaliwanag tungkol sa posibleng paglabag nito sa “Bayanihan to Heal As One Act”.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, bibigyan nila ng pagkakataon ang alkalde na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat sampahan ng kaukulang kaso sa paglabag sa “Bayanihan Act”.

Kaugnay ito ng pagpayag ni Sotto na mamasada ang mga tricycle driver sa lungsod kahit may transportation ban sa ipinatupad sa enhanced community quarantine sa Luzon.

Matatandaang nanawagan si Sotto sa national government na payagang makabiyahe ang mga tricycle dahil inaalala niya ang mga pasyenteng senior citizen at mga bagong opera na maglalakad ng kilo-kilometro dahil walang masasakyan sa transportation ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?