200

Feb 26, 2021 @ 16:26
By

Vico Sotto napuno, pinatulan isang netizen sa Twitter

“Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas” – ito ang naging tugon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang netizen matapos siyang kuwestyunin sa kanyang kampanya laban sa korapsyon.

Ito ay matapos hiranging “Anticorruption Champion” ng U.S. Department of State si Sotto.

Anang netizen, matagal nang problema ang korapsiyon sa bansa bago pa ipinanganak ang alkalde.

“Di ka pinangangak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!” saad nito sa kanyang twwet.

“Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas. Our problems have been ingrained in our government and culture for hundreds of years,” tugon naman si Sotto.

“Ngunit kung lalabanan natin, darating ang pagbabago, kahit paunti-unti,” dagdag pa niya.

Agad naman itong umani ng ng iba’t ibang komento mula sa mga netizen.

BASAHIN:
Vico Sotto kinilalang ‘anti-korap’ ng US
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?