238

Aug 23, 2019 @ 17:42
By

Vico Sotto nagalak sa clearing operations sa Pasig

Nagkakaisa ang lahat ng barangay sa Pasig City para isagawa ang pag-aalis ng lahat ng sagabal sa kalsada bilang pagtugon sa 60-day deadline na nilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Masayang binalita ni Mayor Vico Sotto na nagsisimula na ang magandang resulta ng kanilang isinasagawang clearing operations, hindi man kumpleto ay may nakikitang improvement na.

“So far, I’m very happy with the results of the clearing operations, but we’re still far from being perfect. Everyday, I visited different barangays and I saw that our barangay chairmen are doing the road clearing,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa nito, bumuo sila ng clearing team na magsasagawa ng clearing operations sa mga kalsada, maging sa mga eskinita upang masiguro na walang sagabal.

Paliwanag pa ni Sotto na baka hindi umano kayanin ng LGU ang 60-days grace period na ibinigay ng DILG para sa road obstruction pero sa tulong ng mga barangay official, Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya ay posibleng magawa ito.

Kasabay nito, magdaragdag ng 45 bagong traffic enforcer si Sotto para gumabay sa matinding traffic situation sa Pasig.

“The 45 new traffic enforcers are just about to finish their training. This additional workforce will be a big help to ease traffic woes in the city, including the report of our traffic management task force which we might implement soon and, of course, some interventions that are needed for intersections,” ayon sa alkalde.

Samantala, nilinaw naman ni Sotto na hindi pa nila maaalis ang pay parking sa mga kalsada dahil may existing ordinance pa sila na inaprubahan ng city council na nagpapahintulot na pumarada sa kalsada.

Ayon pa kay Sotto na prayoridad nila sa ngayon ay ang pag-aalis ng mga sagabal sa kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?