234

Nov 28, 2019 @ 13:57
By

Vico Sotto nag-house to house delivery ng pamasko

Personal na iniaabot ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga inihandang Pamaskong Handog para sa mga Pasigueño, katuwang ang may mahigit 2,000 volunteer at staff.

Ito ang binibida ni Sotto, na natutuwa dahil marami ang nakalahok para mamahagi ng regalo at personal na maibigay ang mga ito sa mga bahay na gagawin sa loob ng 14 araw.

Umaabot sa 400,000 Christmas pack ang inihanda ng lokal na gobyerno para mabigyan ang lahat ng mga residente ng Pasig.

“Iba po ang style namin, dahil personal po naming iniaabot ang Pamaskong Handog sa bawat Pasigueño at wala po itong halong politika na tulad ng nagdaang administrasyon,” ani alkalde.

Kasabay ng pamamahagi ng Pamaskong Handog, isinasagawa na rin ang survey para mabilang ang bawat pamilya at malaman kung ilang ang kabataan at senior citizen sa bawat barangay.

Kabilang pa sa programa ang Pasig Family Food Pack kung saan magbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga food pack para sa mga bata mula kinder hanggang Grade 6 na aabot sa 7,125, nasa day care na aabot sa 6,095 at undernourished na mga bata, 4,905.

Gagawin ang programa isang beses sa isang linggo sa loob ng 12 weeks para masiguro at mababantayan ang kalusugan ng bawat mag-aaral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?