1,406

May 14, 2019 @ 15:00
By

Vico Sotto iprinoklama nang alkalde ng Pasig City

Nilampaso ni Councilor Vico Sotto ang nakalaban sa pagka-alkalde sa lungsod ng Pasig matapos makahamig ng 188,321 votes kumpara sa 109,245 votes ni incumbent Mayor Robert Eusebio.

Winakasan ni Sotto ang 27 taon na pamamayagpag sa nabanggit na lungsod ng pamilya Eusebio.

Sa 98 percent na nabilang na boto, idineklara nang bagong mayor ng Pasig si Sotto.

Pangako naman ng 29-anyos na si Sotto ang “new kind of politics” sa hahawakang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?