14

Feb 20, 2021 @ 19:37
By

Vico Sotto ipapakita sa publiko pagpapabakuna

Payag si Pasig City Mayor Vico Sotto na isapubliko ang pagpapaturok niya ng COVID-19 vaccine.

Hindi rin daw siya magiging choosy kahit anong brand ng COVID-19 vaccine ang ibakuna sa kanya basta’t mayroon itong Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration.

“I am very much willing [to be vaccinated] but I believe in following the rules. Kahit anong brand na unang dumating willing akong magpabakuna but for us, we see in the DOH guidelines it’s health care professionals first, so we will go strictly by that,” sambit ni Sotto sa isang panayam sa CNN Philippines.

Sa kasalukuyan ay dalawang vaccine manufacturer pa lamang ang nabigyan ng EUA: Ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?