2,058

Oct 6, 2021 @ 16:34
By

Vico Sotto hinamon ng vice mayor

Lalabanan ni Pasig Vice Mayor Iyo Bernardo ang kanilang mayor na si Vico Sotto sa 2022 elections.

Ayon kay Bernardo, nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-alkalde ng lungsod nang mapagtanto niyang hindi raw bumuti ang kalidad ng pamumuhay sa Pasig ngayong pandemya.

“After the pandemic, after 2020, I think that’s one factor that would make you realized how hard their lives are. Come to think of it kasi ho kapag nagka-COVID you need to bring them to the facility and kapag medyo malaki ho ‘yung bahay po ninyo you can actually self-quarantine. Dun pa lang ho sa disparity I think you would know na since tama din naman if you’re a COVID patient you should have you own restroom, your own room pero dun ho sa mahihirap naming kababayan which do not have that luxury dun ho talaga makikita na ganoon pa rin ho talaga kahirap ang buhay,” pahayag niya sa panayam sa ABS-CBN.

Walang nakalaban si Bernardo sa pagka-vice mayor kung saan naka-tandem niya si dating Pasig City Mayor Bobby Eusebio.

Nagsimulang sumabak sa politika si Bernardo noong 1998.

Una siyang naging Sangguniang Kabataan official at konsehal bago naging vice mayor ng tatlong termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?