36

Jul 19, 2021 @ 18:45
By

Vico Sotto gustong magpatuloy na Pasig mayor

Nagpahiwatig si Pasig City Mayor Vico Sotto ng posibleng muling pagtakbo bilang alkalde ng lungsod sa 2022 at tinabla ang mga panawagang mag-presidente siya.

“Hindi pa naman ako nag-announce pero ‘yun naman po siguro ‘yun,” sabi ng 32-anyos na alkalde nang tanungin sa ANC kung target niya ang reelection sa susunod na taon.

Aniya, gusto niyang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga reporma sa Pasig City dahil siyam na buwan pa lamang ng termino niya ang nagugol dito noong wala pang COVID-19 pandemic.

“We’ve made a lot of gains but sa totoo lang, limited ‘yung nagawa namin dahil sa pandemya. A lot of our projects, even pushing for Universal Health Care, have been delayed because of the pandemic,” saad niya.

“We had nine months to clean things up and grabe ‘yung pinagdaraanan namin dito, ‘yung nililinis namin dito. Hindi rin naman siya biro. Talagang napakahirap but we’ve had gains, we are building momentum steadily, and ‘yun nga lang, talagang limited ‘yung puwedeng gawin,” dagdag niya.

Sa mga panawagan namang presidential bid niya, sinabi ng mayor na masyado pa siyang bata para roon.

“Kalokohan lang ‘yun. Una, I’m 32 years old. I don’t entertain those thoughts whether now or for the future. Dapat mag-focus ako sa trabaho ko ngayon. As cliché and as baka sabihin I am not answering the question, pero totoo, kailangan mag-focus ako ngayon. Ito ‘yung trabaho ko eh,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?