1,763

May 18, 2019 @ 21:28
By

Vico sa mga tauhan ni Eusebio: Basta nagtatrabaho nang maayos, walang dapat ikatakot

Pinawi ni Pasig City mayor-elect Vico Sotto ang pangamba ng mga empleyado ng city hall na tanggalin silang lahat dahil bago na ang mamumuno.

Si Sotto ang tumapos sa 27-taon na pamumuno ni Bobby Eusebio sa naturang lungsod.

“Ang tingin ko ho maraming kinakabahan, kasi ‘yung kultura nga sa 27 taon na takot sila dun sa nakaupo, kaya ‘yung iba kinakabahan na baka mamaya ganun din ‘yung bago at tatanggalin lahat ng mga dating empleyado,” ani Sotto sa isang panayam sa dzmm.

Pero aniya, hindi siya katulad ng ibang politiko, hindi umano siya mapaghiganti at nagtatanim ng galit.

“Di po ako benggador, di po ako nagtatanim ng galit. Basta nagtatrabaho nang maayos, walang dapat ikatakot,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?