80

Jan 24, 2020 @ 19:54
By

Vico nag-donate ng 2 ferryboat

Bubuhaying muli nina Pasig Mayor Vico Sotto, Manila Mayor Isko Moreno at ng Metro Manila Development Authority ang ferry service sa Pasig River ngayong taon.

Dahil dito ay nakipag-ugnayan si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) na gagamitin ang Pasig River bilang Tourism Circuit.

Nagbigay na ng donasyon ang Asian Development Bank, ibang mga bangko pati na rin ang mga opisyal sa lungsod ng Pasig kung saan nagbigay ito ng dalawang ferry boat na gagamitin para sa Pasig River ferry service.

Ani Puyat: “Kasi si Vico Sotto, (he) donated 2 eh.”

Inamin ni Puyat na nasasabik na siya sa muling pagbubukas ng ferry service sa Pasig River.

Sa tulong ni Cesar Cruz, presidente ng PHILTOA, ay plano na nilang pagandahin at mas gawing representable ang Pasig River dahil sa muling pagbubukas nito sa publiko.

Dagdag pa ng kalihim, isipin nalang ang oras na iginugugol ng mga biyahero sa trapiko araw-araw kumpara sa kalahating oras na magagamit ‘pag sumakay ng ferry service.

Magsisilbi umano itong habal-habal sa tubig, aniya sa presscon na isinagawa kaninang umaga, Enero 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?