2,061
Vico-Isko tandem sa 2022 presidential elections inilutang
Mar 19, 2020 @ 18:17
By

Vico-Isko tandem sa 2022 presidential elections inilutang

Sinasaluduhan ngayon ng mga Pinoy ang pamamahala ng dalawang bagitong mayor ng mauunlad na lungsod sa NCR – sina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Lalong umingay ang kanilang mga ginagawa dahil sa pagpapatupad sa buong Luzon ng Enhanced Community Quarantine dulot ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Si Isko, rumoronda tuwing gabi, sinisigurong sinusunod ng kanyang mga nasasakupan ang curfew hours at ligtas sa kani-kanilang kabahayan ang mga ito. Naglabas din ito ng pondo upang tumulong sa mga apektado ng naturang sakit.

At gaya ni Isko, ibibigay na rin ang 13th month pay ng mga empleyado ng lungsod ng Pasig ni Mayor Vico. Tuloy din ang pagronda ni Vico sa mga komunidad sa Pasig upang alamin ang sitwasyon ng kanyang mga kababayan.

Tampulan man ng batikos ang nais ni Vico na payagang gamitin ang tricycle sa lungsod upang makatulong sa transportasyon ng mga Pasigueño, suportado naman siya dito ng karamihan dahil anila’y ramdam ni Sotto ang kanilang paghihirap.

Sa social media, post ni Dale Camus: “What if way lang ni God yung COVID-19 para ituro yung susunod na presidente? Kapag jinumble at tinanggal mo yung ‘D’ sa COVID-19, makakabuo ka ng word na VICO at ang 19th letter sa alphabet ay ‘S’ for Sotto. Tandaan may tatanggalin pa tayong letter D sa palasyo. Mindblown? char hahaha.”

Trending din ang #ProtectVico sa Twitter.

Hindi tuloy maiwasang lumikot ang imahinasyon ng mga netizen, sinusulong ang Vico-Isko tandem sa 2022 presidential elections.

Posible nga kayang magsanib-puwersa ang dalawang sikat na mayor ngayon? If yes, sino ang presidente, sino ang bise presidente?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?