58

Sep 22, 2021 @ 12:06
By

Vico good vibes sa isang netizen

Hindi mapigilan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang matawa sa komento ng isang netizen kaugnay sa pagpirma niya ng memorandum of agreement (MOA).

Sa isang tweet kasi ng alkalde, ibinahagi niya ang paglagda niya ng MOA kasama ang Treatment and Rehabilitation Centers sa Bicutan, Parañaque City.

“MOA signing with the Treatment and Rehabilitation Center, Bicutan,” sey niya sa tweet habang makikita ang pakikipag-Zoom meeting niya.

Nagkomento naman dito ang isang netizen at sinabing: “Salamat po Mall of Asia sa pag sign para sa rehab sa Pasig.”

Natawa naman dito si Vico at sinabing: “MOA nga naman.”

Maging ang mga netizen ay naaaliw rin sa naturang komento:

(VA)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?