295

Oct 23, 2020 @ 21:08
By

Vicki Belo: Julia Barretto sexiest buntis

Binato ni Dra. Vicki Belo ng mga nagbabagang tanong si young actress Julia Barretto kaugnay sa mga naging isyu nito sa nagdaang araw.

Sa kanyang ‘Cook and Chat’ vlog, pinitik ng beauty expert ang aktres tungkol sa nag-trending na rumor kung saan sinabi ni Jay Sonza na buntis umano si Julia, at si Gerald Anderson daw ang ama.

Tinanong ni Vicki kung ikakasal na daw ba si Julia, kung saan pabirong sinagot ng aktres na sa susunod na buwan.

Sinundan naman ni Vicki na biro ay ang pag-intriga kung kailan daw manganganak si Julia, kung saan inulit lang ng young star ang sagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?