1,338

Dec 5, 2021 @ 15:01
By

Vicki Belo hindi pinagamit kay Scarlet apelyido ni Hayden

Isiniwalat ni Dra. Vicki Belo na hindi Kho ang surname sa birth certificate ni Scarlet Snow, na anak nila ng asawang si Hayden.

Sabi ni Belo sa YouTube channel ni Ogie Diaz, na matagal na raw kasi niyang gustong magkaroon ng “Belo baby”.

Aniya, marami man siyang “Belo babies” sa showbiz industry ngunit wala siyang totoong Belo baby dahil ang dalawang anak niya na sina Quark at Crystal ay mga “Henares” ang apelyido.

“Si Scarlet, hiningi ko ‘yan kay Hayden. ‘Yun ang siguro hindi alam ng mga tao na I told him, ‘Hayden, can I have a Belo baby?’ Di ba tawag ko sa inyo Belo baby but I don’t have a real Belo baby because my Quark and Crystal are Henares. Hayden and I were not married anyway when we had Scarlet so I said, ‘Can I please have a Belo baby?’” tsika ng celebrity dermatologist.

“When we got married, sabi ni Hayden, ‘Ano puwede na bang Kho na ‘to si Scarlet?’ so sabi ko, ‘Hindi. Sabi mo sa akin Belo baby… so Belo baby forever.’ Si Scarlet na mismo naglalagay ng Belo-Kho pero of course, in the birth certificate and in everything, it’s Belo,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?