1,267

By

Vice, Ted, Noli nasaan na? Mga Kapamilya tahimik kahit posibleng magsara ang ABS-CBN

Pinuna sa social media ang tila hindi pakikialam ng ilang bigating Kapamilya journalist at personality sa pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa tweet ng @AltABSCBN, binanatan nito ang mga stars ng TV network tulad nina Vice Ganda, Sarah Geronimo at tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil tikom ang bibig para ipaglaban ang kanilang network.

“Look how selfish our kapamilya artists are? Even media people from other companies, institutions are standing up against this tyrannical govt,” tweet ng @AltABSCBN matapos gumamit ng hashtags na #DefendPressFreedom at #NoToABSCBNShutdown ang isang online news site.

“Nasaan ang mga idol niyo? Nasaan ang Vice Ganda niyo? Nasaan ang dancer na si Sarah?Nasaan ang KathNiel? Magsasara na na tahimik pa rin.”

Tingin tuloy ng ilang netizen ay nautusan ang mga ito na manahimik sa naturang isyu.

Ilan pa sa mga pinatamaan sa social media ay ang ilang batikang journalist na wala ring imik ukol sa posibleng pagsasara ng kanilang network sa katapusan ng Marso 2020.

“Nasaan sina Noli de Castro, Ted Failon, Anthony Taberna, Doris Bigornia, Dominic Almirol, at ang NCA? Baka may gag order sa management?” ayon kay @tacioDelinquent.

Gayunpaman, posibleng may ginagawang aksyon ang mga Kapamilya star at journalist nang pribado para maipagtanggol ang kanilang TV network na pagmamay-ari ng mga Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?