38

Jul 2, 2020 @ 10:41
By

Vice: Tatawa pa din tayo

Sisikapin pa ring patatawanin nina Kapamilya star Vice Ganda ang madla, kahit pa kumakaharap ang ABS-CBN sa panibagong shutdown.

Tinigil ng Channel 43 (Sky Direct) at TV Plus ang operasyon nila simula Hunyo 30 matapos silang patawan ng cease-and-desist orders (CDO) ng National Telecommunications Commission.

Apektado ang DZMM Television, Jeepney TV, Yey!, CineMo, Asianovela Channel, at Kapamilya Box Office sa mga TV Plus box sa Metro Manila.

Tigil-operasyon na rin muna ang Umagang Kay Ganda, Kuha Mo, Rated K, SOCO, Matanglawin, Sports U, My Puhunan, #NoFilter, Mission Possible, Failon Ngayon, at DocuCentral.

“Kahit mabigat ang pinagdadaanan natin gagawa kami ng paraan para mapagaan ang mga damdamin nyo. Pangako yan! Tatawa pa din tayo,” sey ni Vice sa Twitter kahapon.

Giit ng NTC sa ABS-CBN franchise renewal hearing ng Kamara, kasama sa pinasara nila noong Mayo 5 ang digital platforms ng Kapamilya network.

Pero depensa ni ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, ang Kapamilya Channel ay pinapalabas sa AMCARA Channel 43 na aniya’y hindi pagmamay-ari ng network at nasa ilalim ng block-time arrangement, kung saan bumili sila ng airtime para maere ang kanilang mga programa.

Mayo 5 tinigil ng network ang kanilang free TV at radio operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?