52

Jul 17, 2021 @ 21:08
By

Vice sa mga ‘woke’: Magparehistro kayo!

Kahit sa gitna ng kanyang pagho-host sa ‘It’s Showtime’ ay isiningit pa rin ng komedyanteng si Vice Ganda ang pagpapaalala na magparehistro para makaboto sa 2022 elections.

Sa gitna ng kanilang segment na ‘Tawag ng Tanghalan,’ siningit ni Vice ang isang maikling mensahe, lalo na sa mga ‘woke’ o ‘yung mahilig magreklamo sa gobyerno sa social media.

“Kaya sa mga pwede nang bumoto, magparehistro po kayo. Napakahalaga po niyan,” saad ni Vice.

“Hindi pwedeng chika lang kayo nang chika sa Twitter. Kailangan nagpaparehistro kayo. Kailangan bumuboto kayo. Di pwedeng woke-woke-an ka lang sa Twitter, pero di ka nagpaparehistro. Very bad ’yun,” dagdag pa ng multi-talented host.

Sinuportahan naman ng kanyang co-host na si Karylle ang kanyang pahayag.

“It is very important to makibaka. And, of course, please register to vote for the next elections,” wika ni Karylle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?