224
Vice pinangaralan ni Charo Santos
Mar 26, 2019 @ 18:43
By

Vice pinangaralan ni Charo Santos

Naging guest ni Vice Ganda sa kanyang show na “Gandang Gabi Vice” ang chief content officer ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Kabilang si Ms. Charo sa mga taong ginagaya ni Vice gaya ng pagbabasa nito ng sulat sa “Maalaala Mo Kaya”.

Pagpasok ng studio ay nakangiti si Ms. Charo at nakikipagbiruan pa kay Vice pero maya-maya ay naging seryoso na ito nang simulan na kanilang tsikahan.

Tinanong niya si Vice kung may sama raw ba ito ng loob sa kanya.

“Bakit lagi mo akong pinaglalaruan?” tanong ni Ms. Charo sa panggagaya sa kanya ni Vice.

“Masakit e, ni hindi ka nga nagpapaalam sa akin,” dagdag pa ni Ms. Charo.

“Masakit lang na ‘yung nunal ko, hindi na nirespeto,” saad pa niya.

Hindi agad nakasagot si Vice dito.

Bandang huli ay pinangaralan siya ni Madam Charo tungkol sa paglipat-lipat ni Vice sa kanyang nunal.

Panoorin ang buong eksena rito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?