71

Oct 4, 2021 @ 16:16
By

Vice nung na-fall kay Ion: ‘Ang ganda nung pumutok’

Inamin ni Vice Ganda sa isang podcast na mabagal ang naging proseso bago siya nahulog sa kasintahang si Ion Perez ngunit ito naman daw ay maganda ‘nung pumutok.’

Sa podcast na ‘Soundtrip with Jugs and Teddy’ natanong kung paano nagkadevelopan sina Vice at Ion at dito na umamin ang komedyante na ‘wala silang spark’ ni Ion noong una.

“Nakukyutan din ako paunti-unti, pero ‘di ko talaga siya bet agad. Ang pinaka na-in love talaga ako sa kanya, ang bait talaga. ‘Yung buong circle ko, gusto si Ion. Hindi ko pa gusto si Ion talaga, gusto na siya noong buong circle ko,” kwento ni Vice.

Bagamat walang spark, nagwapuhan naman daw siya agad kay Ion.

“Wala kaming spark. “Pero nagagwapuhan ako sa kanya. Alam mo ‘yung nilalandi ko siya kasi siyempre malandi ako, ‘di ba, pero hindi malalim. Hindi agad. Slow burn kumbaga, tapos ang ganda nung pumutok.”

Oktubre 2019 nang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon at going strong pa rin sila, kung saan umugong pa nga kamakailan ang haka-hakang kasal na sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?