139

Feb 24, 2020 @ 19:57
By

Vice nagpasalamat sa Senado sa patas na pagdinig sa ABS-CBN

Nagpasalamat si Vice Ganda sa Senado dahil sa patas na isinagawang pagdinig tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Dahil daw doon ay nabigyan ng pagkakataon ang pamunuan ng ABS-CBN na sumagot at makapagpaliwanag tungkol sa mga alegasyon laban sa prangkisa nito.

Pinuri rin nito ang mga ABS-CBN executive sa marangal na pagkatawan sa Kapamilya network sa Senate hearing.

Hindi man daw perpekto ang Kapamilya Network at may mga pagkukulang, naihayag na walang paglabag ang network sa Bureau of Internal Revenue, Securities and Exchange Commission at National Telecommucations Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?