424
IBP: Frontliners, COVID-19 patients huwag pandirihan
Mar 31, 2020 @ 19:40

Vice mayor ng Jala-Jala , Rizal namatay sa COVID

Sumakabilang buhay na ang vice mayor ng isang bayan ng Rizal matapos na mag- positive sa novel coronavirus disease (COVID-19) .

Nauna nang inamin ni biktimang si Jolet delos Santos, vice mayor of Jala-jala town, Rizal na positibo siya sa COVID . Nahawa din ng virus si Rizal governor, Rebecca `Nini; Ynares na kasalukuyang naka-quarantine
Kinumpirma ni Tony Mateo, Rizal information officer ang pagkamatay ni Delos Santos .

Nakita rin sa Facebook post ng anak nitong Jom delos Santos na :`Paalam Papa Jolet.”

Sa naunang post ni Jom noong March 22, inamin nito na “very sick” ang kanyang ama at nasa-isolation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?