363

By

Vice iwas sumagot sa isyu kay Abueva

Sharing is caring!

Hindi nagpaunlak ng panayam ang komedyanteng si Vice Ganda matapos maispatan itong nanonood ng laro ng Phoenix Fuel Masters, ang koponan ni Calvin Abueva noong Biyernes sa MOA Arena.

“Ay, interview, sorry,” saad ni Vice Ganda bago lumabas ng venue kasama ang mga body guard at dalawang kaibigan.

Matatandaan na nanood din si Vice noong nakaraang buwan ng laban ng koponan din ni Abueva laban sa Magnolia Hotshots.

“Kaibigan ko ‘yun, nasa Alaska pa ako magkaibigan na kami. Tsaka ninong siya nung isang anak ko,” paliwanag ni Abueva sa nakaraang interbyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?