79

By

Vice gubernatorial candidate ng Ilocos Norte inatake sa puso

Yumao na si Ilocos Norte board member Mariano Marcos II na kakandidato sa pagka-bise gobernador sa darating na eleksiyon sa Laoag City nitong Biyernes, Pebrero 15.

Natagpuang walang malay sa men’s room ng Laoag City International Airport si Marcos, ayon sa report ng Bombo Radyo Laoag.

Ayon naman sa report ng Inquirer dinala sa Laoag City General Hospital si Marcos ngunit idineklarang patay na ito noong ganap na 9 ng gabi.

Ayon sa iba’t ibang media reports, akate sa puso ang ikinamatay ni Marcos.

Nitong Sabado, Pebrero 16, naglabas ng pahayag ang Provincial Government of Ilocos sa kanilang Facebook page tungkol sa pagkamatay ni Marcos.

Si Marcos ay anak ni Pacifico Marcos, na kapatid ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nagsilbi ito bilnag provincial board member sa loob ng 3 termino, mula 2004 hanggang 2013. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?