34

Aug 4, 2021 @ 10:00
By

Vice Ganda unstopabble! Magco-concert sa US sa Oktubre

Kahit pandemya ay hindi kayang pigilan si Vice Ganda mula sa pagtatanghal. Nito lamang kasing Martes nang ianunsyo niya na magko-concert siya sa Amerika na may pamagat na “Vax Ganda: A dose of laughter.”

Sa Instagram story ng komedyante, makikita ang kanyang opisyal na concert poster ngunit wala itong partikular na venue at petsa.

https://www.instagram.com/stories/praybeytbenjamin/2631831489068955290/

Nito lamang Hulyo nang ikasa niya ang kanyang unang virtual concert na pinamagatang “Gandemic: The VG-Tal Concert.”

Kasama sa kanyang mga special guest sa naturang concert sina Anne Curtis, Beks Battalion, at Ice Seguerra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?