197

Jun 27, 2019 @ 21:28
By

Vice Ganda type na type ng international model, actor

Guess what? Isang international model, actor ang nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa Abante. Under management siya ng GMA, pero lumabas din siya kamakailan sa music video ni Nadine Lustre na “St4y Up.”

Nahulaan niyo na ba kung sino? Siya si Nico Locco Fowler! Lumabas na rin ang 24 year old model sa ilang programa ng GMA tulad ng Wagas (noong 2013), Tadhana (noong 2017) at Daddy’s Gurl (noong 2018).

Kuwento ng modelo na acting daw talaga ang kanyang “profession” saan mang bansa siya mapadpad. Nakarating na raw siya sa mga bansang tulad ng Indonesia, South Korea at Canada dahil sa kanyang pagiging aktor.

Ayon pa sa kanya, dumating siya sa Pilipinas para sa music video kung saan kasama nga niya si Nadine at napagdesisyunan niyang manatili muna rito sa bansa dahil napamahal na raw sa kanya ang mga Filipino lalo na sa kultura natin.

Sinabi rin niya na pinaplano niyang magbalik ng pabor sa mainit na pagtanggap sa kanya sa bansang Pilipinas kaya naisip daw niyang mag-charity o magbahagi ng kanyang mga biyayang natatanggap.

“When I got in the Philippines, I really felt touched by the people… Filipinos are really similar to Italians and Canadians where they’re sobrang pala-kaibigan, sobrang mapagmahal, really caring and just kind to each other, and that really had an effect on me and I was like ‘Wow! This is kinda feels like home!'” sabi pa ni Fowler.

Nakatagpo raw siya ng bagong pamilya sa mga taong nakilala niya sa Pilipinas.

Pero ito, ha! Tinanong siya kung sino sa mga magagandang Filipino celebrity ang nais niyang maging leading lady kung mabibigyan siya ng pagkakataon at sinabi niya ang tatlong mga magagandang aktres na sina Anne Curtis, Jasmine Curtis at Vice Ganda. Bongga, di ba? Bet niyang makatambal sa isang pelikula si Vice Ganda, ha!

Well, kaya raw niya napili si Vice ay dahil labis siyang humahanga sa pagkatao nito, dahil sa pagsuporta ni Vice sa LGBTQ community.

“She really allow people to be themselves in the Philippines,” dagdag pa ni Fowler.

Kung mabibigyan din daw ng pagkakataon magkaroon ng break sa showbiz industry ang modelo, nais niyang bumida sa isang rom-com na pelikula which sounds like kay Vice talaga niya gustong makipag-aktingan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?