16,655

Jan 11, 2022 @ 17:42
By

Vice Ganda sumakit puwet sa Amanpulo

Binitbit ni Vice Ganda ang pamilya niya, ilang kaibigan at nobyong si Ion Perez sa mamahaling isla.

Sa recent vlog niya, ipinakita ni Vice ang naging bakasyon nila sa Amanpulo kung saan nila sinalubong ang taong 2022.

Kabilang sa sinubukan nila sa mamahaling isla ang snorkeling at volleyball.

Sinubukan din ni Vice na umupo sa isang duyan, na dahil sa mababa ay tumama ang puwet niya sa lupa.

“Ang baba pala. Hindi naman pala umaangat. Pag-upo ko bumagsak ako,” ani Vice, na agad namang itinayo ng nobyo niyang si Ion.

“Bumagsak nga ako. Ang sakit ng puwet ko ngayon,” dagdag ni Vice sa isang kaibigan na nagtanong kung sinubukan niya ang naturang duyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?