38

Vice Ganda, sumailalim sa CT Scan dahil sa kidney stones

Sharing is caring!

Kasalukuyang minomonitor ang nakitang kidney stones kay Kapamilya comedian Vice Ganda.

Nitong Miyerkoles ay ipinoste sa Twitter ni MJ Felipe ang larawan ng komedyante habang nakahiga sa CT Scan bed.

“Vice Ganda undergoing CT Scan procedure to check the kidney stones,” sabi nito sa caption ng larawan.

Nitong mga nakaraang araw ay naging bukas sa publiko si Vice hinggil sa kanyang kidney stones.

Noong Pebrero ay sumailalim na siya sa procedure na Shock Wave Lithrotripsy para sa problema niya sa bato.

Nilagyan din ito ng tubo sa katawan para makatulong sa pagtanggal sa kanyang kidney stones.

Ayon sa ulat, natanggal na ang malalaking bato ngunit nananatili pa rin ang maliliit.

Sa episode ng “It’s Showtime” sinabi ni Vice na nakakaapekto na sa pamumuhay niya ang pagkakaroon ng bato dahil sumasakit ito kada gumagalaw siya.

Humingi rin siya ng dasal sa mga tagapanood para sa agarang paggaling niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?