40

Oct 13, 2021 @ 14:15
By

Vice Ganda sinuka public servants na yaman inaatupag

Patuloy ang pagiging hayag ni comedian-TV host Vice Ganda sa kanyang mga pananaw sa politika.

At kahit nasa gitna ng isang portion ng ‘It’s Showtime’ kamakailan, naisingit pa rin ni Vice ang patama sa mga politiko.

Bida sa isang episode ng noontime show ang isang health worker na 25 taon na sa serbisyo kahit ‘di kalakihan ang kita.

Naantig si Vice sa istorya ng contestant, sabay pasaring sa mga politiko.

“You are the true public servant, because a true public servant is selfless,” sabi ni Vice sa naturang contestant.

“Serbisyo publiko. Kinakalimutan niya ang sarili niya, dahil iyong pinagseserbisyuhan niya muna bago siya. Iyon ’yung totoong public servant,” aniya.

“’Yung mga totoong public servants, hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman. ’Yung mga yumaman habang nakaupo, hindi sila totoong public servants,” dugtong pa ni Vice.

“Ginamit lang nila ang posiyon para mabigyan nila ng sariling pag-angat ang kanilang mga pamilya. At nagpagamit din tayo sa mga ’yan,” saad pa ng komedyante. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?