544

Nov 19, 2021 @ 19:10
By

Vice Ganda papampam

Nag-“Who’s Who” challenge sina Vice Ganda at Ion Perez para i-celebrate ang kanilang third anniversary bilang couple.

Kinunan ang vlog nila sa Central Park sa New York.

Ilan sa mga naitanong sa kanila kung sino ang attention seeker at sweet.

Sinabi ni Vice na mas attention seeker siya kumpara kay Ion.

“Kasi siya, kapag naglinis na siya ng motor, mahaba ‘yun, akala mo nagpadede ng bata, nagpaligo, nagpatae, nagpatulog, ganun kahaba. Tapos kapag nakatapat na rin siya sa laptop niya, tututok na rin siya. So ako, mas papansin ako.

“Kasi hindi niya ako iniistorbo. Kaya kapag gusto ko na makipaglambingan, ako na ‘yung gagawa ng paraan. Kasi hindi niya ako iistorbohin, hindi niya kinukuha ‘yung atensyon ko,” kuwento ni Vice.

Pero pagdating sa pagiging malambing at touchy-feely ay si Ion daw ito.

“Mas touchy-feely si Ion pero sweet din ako,” sey ni Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?