1,368

By

Vice Ganda niyabang ang pera, pinulutan sa social media

“Everybody knows im a millionaire because im a hardworking Filipino. B*tch!!!” ‘yan ang naging sagot ni Vice Ganda sa kanyang mga basher.

Binanatan sa social media ang komedyanteng si Vice Ganda dahil sa shopping tweet nito.

Nagsimula ang kaguluhan matapos sabihin ni Vice na dedma siya sa mga bangayan sa social media at mas pipiliin niya pa ang mag-shopping.

Maraming mga netizen ang nagsabi na ‘insensitive’ umano ang tweet ng komedyante at tinawag na ‘pa-woke’ ni Vice.

Sumagot si Vice sa mga bintang, sinabing lahat naman ng tao ay nagsho-shopping kaya’t wala siyang nakikitang mali sa kanyang tweet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?