30

Oct 12, 2020 @ 22:09
By

Vice Ganda nilantad mga pinaretoke

Binunyag ni Vice Ganda ang mga ipinaayos niya sa kanyang sarili.

Sa vlog niyang “Gabing Gabi Na Vice” kung saan ininterview niya ang Tawag ng Tanghalan grand champion na si Janine Berdin, tsinika niyang kabilang sa pinaayos niya ang kanyang mata, baba at pisngi.

Ani Vice kay Janine, na umaming nagpaayos ng ilong, walang masama sa naging desisyon nito.

“Ang katawan mo ang itsura mo, gift ‘yan. Pero hindi ba ang gift natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin ‘yung regalo. Iba lalagyan ng ribbon para mas maganda; ‘yung iba, bibili ka ng wrap para mas maganda. Para sa akin ganun lang ‘yung ginagawa mo. Ako, ginawa ko rin ‘yon sa sarili ko,” anang “It’s Showtime” host.

“Nagpagawa ako ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, hindi ba? So choice natin kung paano natin ira-wrap ang regalo natin,” dagdag niya.

“Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin ay hindi naman ‘yung mukha, ‘yung nasa loob, ‘yung puso. ‘Yung puso ang talagang regalo natin. Itong wrapping lang ito ng regalo natin. Ang totoong regalo natin ay ang puso natin,” sey pa niya.

Pero aniya may dahilan ang kanyang pagpaparetoke.

“Hindi pa kasi ako nagpapagawa ng ilong. Ang ipinagawa ko lang ay mata. Kasi ang mata ko ay droopy, malungkot. Sabi nila hindi puwedeng nagpapatawa ka tapos malungkot ang mata. May malungkot na mata at malungkot na kilay kapag nakababa. So kailangan buka ang mata mo at ang kilay mo ay hindi pababa. So nilagyan ako ng talukap. Kasi mataba ang talukap ko. ‘Yun ang ginawa. Tapos sa (pisngi) botox-botox, lifting-lifting. Tapos sa baba, para may baba. Pero ‘yung ilong hindi ko pa napapagalaw eh,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?