130

By

Vice Ganda, netizens binakbakan si Terrence Romeo

Sharing is caring!

Eksaktong 10 araw makalipas ang ‘basketbrawl’ ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers, nasangkot na naman sa isa pang rambulan ang TNT KaTropa at Gilas guard na si Terrence Romeo.

Sa pagkakataong ito, sa labas ng isang bar sa Thomas Morato sa Quezon City naganap ang rambulan na kinasasangkutan ni Romeo at mga katropa nito.

Ayon sa mga paunang report, may nagpa-picture kay Romeo na isang fan subalit bigla na lamang umanong sinapak ng kasama ng player ang naturang indibidwal at dito na nagsimula ang riot.

Pero depensa ni Romeo, na halatang lango pa sa alak sa kanyang TV interview, hindi siya ang nagsimula ng gulo at wala din siyang sinaktan.

Pero iba ang tingin ng maraming netizens sa insidente.

Ayon kay Facebook user Jims Red, kanto boy, pang-iskwater at tambay pa rin ang pag-uugali nito kahit isa nang propesyunal na basketball player. “Ampotang Terence to, nabihisang kanto boy lang to ni Vice Ganda kung umasta na ngayon kala mo kung sino, hoy tukmol na terens kung hindi kay vice, tambay ka pa rin sa kanto at malamang natukhang ka na. Mukang kulang k na sa kain ng pwet ni vice kaya ungas na ugali mo, kainin mo nalang wetpu ni vice bilis.”

Sabi naman ni FB user Damayo Maximo, Jr. yumabang na nang sobra ang manlalaro. “As I observed sobrang yabang na yata cya..dapat bigyan ng sanction ng PBA yan..mayabang na talagaaa.”

Tingin naman ni FB user Raul Velandres, baka nagdodroga na ito. “Pa Drug Test, Pag Positive Pa Rehab Na Yan???”

Si Vice Ganda, tila nagpatama din sa player. “Kung di ka mapagpatol di ka masstress,” mula sa official @vicegandako Twitter account nito.

Meron namang ibang netizen na dumipensa sa player. “Ay wow mga comments. Andun kayo? Kwento nyo nga yung story. Galing nyo mag judge e,” komento ni FB user Dgimiko Palaganas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?