258

Feb 8, 2019 @ 15:28
By

Vice Ganda napayaman ang mga ex-dyowa

Malaki na ang iniangat sa buhay ng komedyanteng si Vice Ganda, ngunit tila hindi lang siya ang naapektuhan sa nasabing pagganda ng estado sa buhay.

Sa naging segment na “Tawag ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime’, sinabi ni Vice na literal na ‘rags to riches’ ang kanyang istorya dahil nagbebenta ang kanilang pamilya ng basahan dati.

“Malaking bahagi ng buhay ko ang rags. Yung nanay ko, mananahi ng mga retaso. Nagbebenta kami ng bilog na basahan sa mga jeepney driver,” kwento ni Vice.

Kaya naman ng maging matiwasay na ang kanilang pamumuhay ay tumulong aniya siya sa kapwa, ang siste, mga naging ex-boyfriend umano ang kanyang mga nabigyan ng magnadang buhay.

“Tumutulong rin naman tayo. Sa dami ng tinulungan ko, yung mga jowa ko, mas mayaman pa sa akin ngayon!” biro ni Vice.

“Nasasaktan kasi ako pag naririnig ko ang salitang tulong. Ang dami kong natulungan pero anong nangyari?” patama pa ng komedyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?