51

Dec 4, 2021 @ 22:39
By

Vice Ganda napamura matapos magwagi sa Asian Academy Awards

Nagkahalo-halo ang emosyon ni Vice Ganda matapos siyang tanghaling best entertainment host sa 2021 Asian Academy Creative Awards (AACA) nitong Biyernes.

Nakuha ni Vice ang parangal para sa pag-host niya sa palabas na ‘Everybody, Sing!’

Sa Twitter ay inilahad ng komedyante ang lahat ng emosyong naghahari sa kanya matapos maparangalan.

“Overwhelmed! Ang gulo ng pakiramdam! Naiihi ako na naduduwal na di ko maintindihan. Nakakabaliw sa saya! Thank you Lord! This is unbelievable! Sh*t i just won Best Entertainment Host at the Asian Academy Creative Awards! Sh*****tttttttt!!!!”

Ngayong Sabado naman sa ‘It’s Showtime,’ ay sinabi ni Vice na inaalay niya ang tagumpay sa kanyang ina at nobyong si Ion Perez.

“Di ba, ang sarap gumising na parang kahit anong marinig ko, wala naman akong paki. Ang mahalaga, okay naman si Ion. Okay kami ni Ion at yung nanay ko, ang sarap sa feeling nung tinext ako ng nanay ko na, ‘You make your nanay proud again,’” aniya

“This is a big win for ABS-CBN and the Philippines. Di ba nakakatuwa lang na kahit ang dami nating kinaharap na dagok, we were able to create contents na dekalidad na nire-recognize ng iba’t ibang bansa, ng international organizations,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?