29

Nov 18, 2020 @ 17:52
By

Vice Ganda nakalikom na ng P700K para sa mga binagyo

Umabot na sa mahigit P700,000 ang nalikom ni Vice Ganda para sa mga biktima ng bagyong Rolly at Ulysses.

Aniya, nagpapatuloy pa ang kanyang donation drive na “FUNDkabogable Donation Drive”, na mayroon nang nakolektang P713,918.79 as of 11:14AM noong Nov. 17.

“Eto na po so far ang halaga ng mga donasyon ninyo na pinadaan ninyo sa FUNDkabogable Donation Drive. Bukas pa din po ang mga accounts para tumanggap ng mga karagdagang donasyon. Maraming SALAMAT! Mabuhay po kayo!” sey ni Vice sa Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?