1,286

Nov 3, 2021 @ 18:59
By

Vice Ganda nagtiyagang pumila para sa hotdog

“Hotdog is life” para sa comedian na si Vice Ganda.

Sa kanyang vlog, natakam si Vice sa Pink’s Hollywood sa Los Angeles, California matapos makita na sobrang haba ng pumila sa nasabing tindahan kaya naman nakipila na rin siya.

“Ang tsika makirap (masarap) daw ang hotdog dito mga vakla! So mukha namang masarap kasi ayan ang pila,” sey ni Vice. “Since hotdog is life para sa ating mga bakla pumila na tayo.”

Makalipas ang isang oras ay nakapila pa rin si Vice.

Pero matapos makilala ang mag-asawang may-ari ng Pink’s ay pinapasok na siya.

Isinama pa si Vice sa celebrity wall ng tindahan at binigyan ng mga giveaway ng isa sa may-ari na si Gloria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?