19

Dec 10, 2020 @ 13:51
By

Vice Ganda naging fast food crew

Naaliw ang mga customer ng isang fast food restaurant matapos magsilbi roon nang isang araw ang komedyanteng si Vice Ganda.

Sa kanyang latest YouTube vlog, Miyerkoles, binahagi ng “It’s Showtime” host ang kanyang karanasan sa pagiging service crew member ng Mang Inasal.

Nasubukan ni Vice maging cashier at tagabigay ng unli rice sa mga customer.

Binisita rin siya ng “special” customer: ang dyowa niyang si Ion Perez.

Nilibot din ng komedyante ang kusina ng kainan, at tinuruan paano mag-ihaw ng manok doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?