54

By

Vice Ganda na-block sa dating app

Sharing is caring!

Hindi muna makakapag-swipe left, swipe right si Vice Ganda.

Sa ‘It’s Showtime’ kanyang ibinahagi ang pagkadismaya dahil nabakuran siya ng social dating app na Tinder.

Ang dahilan ng pag-block? Mukhang napagkamalan aniya si Vice na poser kaya tiis muna ito hangga’t wala pang access sa kanyang account.

“Bad trip, naka-block ako sa Tinder, e! Kasi ‘yung mga Pinoy, akala siguro nila poser. Ni-report ako nang ni-report, naka-block tuloy ako! Hindi tuloy ako maka-swipe right, bad trip!” saad ni Vice.

Sinubukang gawan ng paraan ng komedyana na magka-access muli sa Tinder, ngunit talagang hindi ito gumagana.

“Naka-block kasi ako talaga, e. Kahit ano’ng palit ko, hindi ko talaga siya mabuksan. Kailangan ng bagong e-mail,” dagdag pa ni Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }
Tags: