268

By

Vice Ganda may planong tumakbong presidente?

Isang partidong politikal ang nag-imbita umano sa comedy actor-host na si Vice Ganda na kumandidatong senador sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Sa isang segment ng programang ‘It’s Showtime’ kung saan host si Vice, napag-usapan ni Vice at ng kaniyang co-host na si Jhong Hilario ang problema ng huli sa imahe sa publiko dahil bukod sa pagiging aktor at mananayaw, isa rin itong konsehal ng Makati City.

Agad itong nasundan ng pahayag ni Vice na may isang partido umano na nag-imbita sa kaniya na tumakbo bilang senador.

“May kumukuha sa’kin na partido, sa senador. Sira ulo ba kayo?” saad nito.

“Sabi, ‘Mananalo ka.’ Oh, ngayon, pag mananalo, tatakbo?” ani Vice.

Dagdag na biro nito, may plano aniya siyang tumakbong presidente.

“Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n — sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakwenta-kwenta ang mga bumoboto sa Pilipinas,” saad ni Vice Ganda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?