86

Jul 21, 2021 @ 16:56
By

Vice Ganda may patama sa face shield

May hugot si Vice Ganda tungkol sa patuloy na pagpapasuot ng face shield sa Pilipinas.

Viral ngayon sa social media ang video kung saan sinabi niya sa “It’s Showtime” co-host na si Kim Chiu na “pangarap niyang maging face shield”.

“Pangarap kong maging face shield. ‘Yung tipong kahit wala ka naman talagang silbi hindi ka gini-give up. Ang sarap maging ganoon sa buhay. Isa kang face shield… ‘yung wala ka naman talagang purpose pero hindi ka gini-give up ‘di ba,” sey niya kung saan tuwang-tuwa sa kanya si Kim.

Pabiro rin niyang hiniritan si Health Secretary Francisco Duque III na luma na ang kanyang face shield at baka naman daw puwede siya nitong bigyan.

Unang iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-aalis na sa mandatory face shield dahil ang Pilipinas na lamang aniya sa mundo ang nagpapatupad nito.

Tinabla ito ng Department of Health at Philippine Medical Association sa pagsasabing malaking tulong ang face shield laban sa COVID-19.

Hindi pa umano napapanahon para magluwag sa mga polisiya laban sa coronavirus dahil sa pagtaas ng kaso sa ibang rehiyon at banta ng Delta variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?